04 June 2009

Litratong Pinoy : MISYON


Siya ang sikat na St. Bernard sa Mines View Park sa Baguio.
Maliban sa mga tanawin, mga souvenir atbp,
ay ang napaka kyut at dambuhalang asong ito ang aagaw sa pansin
mo pag punta mo ng Mines View Park.
Lahat ng turistang dadayo dito ay siguradong magpapakuha
ng litrato kasama nya, yayakapin sya at pipisil-pisilin.
Mahaba ang pila at sa maliit na halaga
ay kukuhanan ka ng may-ari kasama sya.
Naisip ko baka mas malaki pa ang kinikita nya sa akin sa haba
ng pila ng mga gustong magpakuha kasama sya.
ANO ang MISYON nya? Ang magbigay ng dagdag ngiti
sa bawat turistang bibisita sa Baguio .... tingnan mo ang litrato,
ang saya nila diba?

14 comments:

Ria said...

ang cute niya no! hindi pa ako nagpapapicture kasama siya pero ang kapatid ko meron hehe. sana makadalaw ka din sa lp ko ngayon :-)

SASSY MOM said...

Ang kyoot naman niyan. Wala pa akomg litrato niyan, sana makapunta ako muli sa Baguio.

Happy LP!

yami said...

Wala na naman akong entry this week...hay I wish I have all the time in the world to blog...hehe

Ang ganda ng effect ng photo at ang asong malaki sanay na magposing. Pati nga visitors talagang enjoy na magpa-pic kasama siya. :-)

kg said...

ay oo! nakita ko na din yan sa baguio! grabe! sikat na sikat na pala sya ha! :)

ACRYLIQUE said...

Sya yung nakikita kong malaking aso sa Mine's View Park... Di ko nilapitan. Natatakot kasi ako.. hehehe

shykulasa said...

@ria, @sassymom, @kg .... salamat sa pagbisita at pag iwan ng komento

@yami, oo nga kulang sa oras eh. lalo na sa iyo, u have a family to take care of, kaya bilib ako sa yo :)

@acrylique, haha talaga natakot ka! ang bait nga nya kahit yakapin mo! very warm and cuddly, gusto ko ngang iuwi :)

Paula said...

Ay ang cute ng aso. sana may ganyan akong aso. hahaha. kaso parang ang hirap i-maintain, anlaki kasi!

happy LP!

Carnation said...

hindi ko ito napansin nang pumunta kami dyan. ang cute. ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/06/lp-misyon-mission.html

Willa said...

Napakaganda naman ng asong iyan!

Janelle said...

kung sino man ang nagmamay-ari ng asong iyan, grabe, pinagkakitaan pa talaga :)

Zee said...

ay! ang cute naman sa Saint Bernard na yan... :) I don't remember seeing him the last time I went there... :D

thess said...

Ano nga kaya meron ang St. Bernard?! Kasi mayroong napakalaking St. Bernard sa isang city sa Austria (tourist city) na 3 beses ko binalikan sa loob ng 4 na taon at tuwing balik ko ay laging 'namamasyal' duon ang aso at talagang tawag pansin sa mga tao!
At dito naman sa amin, may isang malaki ring St. Bernard na kakaiba, dahil sya mismo ang 'naglalabas' sa sarili nya ..pagkatapos nya gawin ang pang-aso nyang 'business' ay kusa syang uuwi.

special dog with a special mission...special photo too! (^0^)

lino said...

hehe, Doglas is such an attention grabber... cute dog... happy LP... :)

fortuitous faery said...

uy, di ko alam na meron palang doggie celebrity sa mines view park! di ko naman siya nakita dati. o baka bago lang kasi siya doon na resident? :P

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin Share/Save/Bookmark

ABOUT ME

Followers

Ask Me First, I Might Say YES

Ranks/Faves

Photoblogs - Top Blogs Philippines Powered by  MyPagerank.Net Yahoo bot last visit powered by MyPagerank.Net Msn bot last visit powered by MyPagerank.Net

My Social Network

  © Blogger templates Psi by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP