Ask Me First, I Might Say YES

Weekly Photo Memes

Jun 12, 2009

Dalawa ang selebrasyon sa lugar namin ngayon, Fiesta ng aming baranggay at ang Araw ng Kalayaan. Masaya at makulay ang paligid, may bandiritas at mga watawat. Nagising ako ng maaga dahil sa malakas na anunsyo sa mikropono ng kapitan ng barangay na may misang gaganapin nitong umaga sa maliit na kapilya sa aming baranggay. Pagkatapos ay may malakas na tambol at tugtog ng kombo na hudyat ng umpisa ng selebrasyon. Gusto ko pa sanang matulog pero grabe ang ingay sa labas.


Bilang pagpupugay sa Araw ng Kalayaan ay maraming watawat ng Pilipinas ang nakasabit kasama ng mga bandiritas.





Meron ding dragon dance ......



May Kombo na tumugtog ng Sabay Sabay Tayo, Chiquitita at iba pang kantang pinasikat ni Marianne Rivera.



Palambitin na pinagkaguluhan ng mga bata pati na ng matatanda.



At syempre ang Prusisyon ng mga Poon na kultura na ng mga pinoy upang ipakita ang pasasalamat sa mga biyayang ipanagkaloob ng ating Poong Maykapal.

Categories:

4 comments:

  1. Maligayang Araw ng Kalaayan at Piyesta sa iyo, kapatid. Ang ganda ng post mo nagbalik sa akin ang panahon na nagseselebra din kami ng Piesta kasabay ng Bagong Taon sa Barrio ng Bayanan, Muntinlupa.

    Nakakaaliw tignan ang makulay na bandiritas, napaka-creative ng nagisip ng konsepto na gamitin ang Bandila bilang bandiritas at simbolo ng kapistahan.

    ~'Di mo ako inimbitahan. ;-)~

    ReplyDelete
  2. salamat sis ..... natuwa nga ako at pinaghandaan talaga ng baranggay namin ang selebrasyon...

    nakalimutan kong mag imbita, hehe next year sis sana makapunta ka :)

    ReplyDelete
  3. Sige, basta email mo lang sa akin ang address niyo at date ulit ng fiesta dahil sigurado makakalimutan ko 'yan...thanks ;-)

    ReplyDelete
  4. i love your pics! lalo na yung first one! ganda! :)

    ReplyDelete