Isa sa pangarap ko ay ang makabalik sa Berlin, Germany. Taong 2002 nang nakapunta ako doon. Ibang klaseng karanasan nang nakatungtong ako sa bansang ito, kabighabighani! Swerteng na promote ako na maging Head ng PUMA Merchandising group ng PLANET SPORTS kaya nakadalo ako sa taunang pagtitipon ng PUMA International at nasaksihan ang bonggang presentasyon ng mga ilalabas na bagong koleksyon ng PUMA sa susunod na taon. (Wala pa akong digicam noon kaya sayang at marami akong hindi nakuhanan!)
Pinangako ko sa sarili ko babalik ako dito gamit ang sariling pera ko at pagkatapos ay lilibutin ang Europe sa pamamagitan ng pagsakay sa Eurail. Haay pangarap! .... sana matupad ko :)
ang suerte mo namang maging bahagi nito! pangarap ko rin makapag-germany...ang daming puedeng makita doon!
ReplyDeleteAng swerte mo naman at nakarating ka na ng Berlin!
ReplyDeleteEto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
Hanep sa experience, Sis. For sure, makakabalik ka ulit ng Berlin. You are a good person kaya blessed ka. Kung matupad ang pangarap mo, don't forget my pasalubong, hehe.
ReplyDeleteOo sis, nakasingit ng post kasi hinayang akong di sumali ngayong Linggo kasi nga last week absent na ako. ;-)
sama ako...sama ako...pangarap ko ring makarating ng Europe. haaay, sana matupad.
ReplyDeleteGood things happen to good people, isa ka na duon! I'm sure matutupad ang wish mo na yan!
ReplyDeleteHappy LP!
Huwaw! Taray! Sana makasama ako sa luggage mo next time! :)
ReplyDeletegandang benepisyo sa trabaho ang makabyahe sa ibang lugar. :) sana nga makabisita ka ulit sa berlin.
ReplyDeleteThis is a place I always wanted to go. Sabi nila kakaiba daw, hindi lang mga tao pero pati lugar.
ReplyDelete