Ngayong linggo, IMPOSIBLE BA ITO? ang tema ng Litratong Pinoy.
Kung pagmamasdan mo ang larawan sa itaas ay makikita mo ang kaibigan kong nakalutang sa ere habang nag memeditasyon ..... IMPOSIBLE BA ITO? hehe, huwag magtaka, sa mundo ng PHOTOSHOP ay walang imposible! Lahat ng nanaisin mo ay pwedeng mangyari sa tulong ng Photoshop. (Hinde nga lang pulido ang gawa ko dahil inaantok na ako, hehe) ... Eto ang tunay na larawan (paki click na lang ang READ MORE para makita ^^) .....
Napagtripan naming gawin ng barkada kong si Cooky ang posing na ito noong nakita namin sa bahaging ito sa St Mary's Episcopal Church sa SAGADA ang grupo nila GIGIT ( nakilala sya sa reality show na Survivor Phils) na nagtitipon at nagaaral ng YOGA. Nalaman kong nagaaral sya upang magturo ng YOGA.
Hindi pa ako nakakakita ng totong taong lumulutang habang nag memeditasyon. Imposible ba ito? Hindi ako sigurado pero sa Photoshop, PWEDE! :)
hehe. marami na rin akong nakilalang mga tao na sana naging photoshop na lang. :)
ReplyDeletesiguro pwede rin tayong lumutang.
word verification : bypogi (?)
@acrylique
ReplyDeletehahaha, totoo ka dyan, maraming gumaganda dahil sa photoshop :)
I love photoshop although 'di ako ang gumagawa kundi hubby ko. Higit pa sa beauty product at commercial ni Belo...Photoshop touches my skin, who touches yours? :D
ReplyDelete@yami
ReplyDeletehehe yami pwede ng tag line para sa advertisement ng photoshop :)
mukhang me mommy break ka ha :)
hindi ako marunong mag-photoshop... sa palagay ko nangdaraya ka ng mga tao kapag ganun... kaya't dapat ay hindi natin paniniwalaan ang lahat ng nakikita natin sa mga magasine :)
ReplyDeletenandito ang lahok ko:
http://chicpinay.blogspot.com/2009/06/litratong-pinoy-imposible-ba-ito.html
@janelle
ReplyDeleteme punto ka pero sa tingin ko mas malaki ang magandang naidudulot nito kesa sa di maganda. me malaking adbentahe sa career ko na marunong ako nito.
naniniwala ako lahat ng bagay na nasosobrahan ay di na makatotohanan, madalas natin makita yan sa glossy magasin, ang lagi kong komento ... ay OA sa photoshop! hehe
ay hindi adbentahe! bentaha (advantage) pala :)
ReplyDeletehehe. Mas magaganda tayo kesa anong award. :)
ReplyDeleteTeka pano ba sumali sa LITRATONG PINOY?
kaw ba organizer?
kakatuwa...the first time i saw the pic, sabi ko, "sa sagada ito." and it was!
ReplyDeletei lvoe the black and white pic! it was much dramatic! :)
Sis, 'di ko matiis na 'di magupdate. Puro memes lang muna 'di masyadaong pinagiisipan. May LP pala ako kahapon, late ko na naipost.
ReplyDeleteAt may award pala ako sayo Sis. heto siya: http://penname30.blogspot.com/2009/06/friendship-really-matters-to-me_19.html
@acrylique
ReplyDeleteay hindi ako ang organizer, hehe... cge sali ka pwedeng pwede :) punta ka dito
http://www.litratongpinoy.com/
@kg
ReplyDeletekabisado mo rin bawat sulok sa sagada, hehe ... oo nga ginawa kong black and white mas mukhang di daya kasi eh :)
Pumasok naman ako sa ibang criteria. maliban dito:
ReplyDelete*Ang iyong blog ay hindi naglalaman ng malalaswa, puno ng poot, o labag sa batas ng Diyos at batas ng tao.
parang anu lang
ReplyDeleteonly photoshop touches my skin. who touches yours? hahaha
eto naman po ung akin :D
Imposible ba ito?
HAPPY LP! :D
basta sa photoshop everything is POSSIBLE! hehehehe :)
ReplyDeleteang galing mo naman sa photoshop, ako konti lang alam ko dun,hehe
ReplyDelete@zee
ReplyDeletetunay ka, very powerful ang tool na ito, pwedeng mandaya, hehe
@hari ng sablay
naalala ko tuloy yung nilunok kong burger dahil sa kwento mo, hehe ... di naman magaling, marunong lang... gusto mo iphotoshop kita, hehe