The Blogger

My photo

Occassional blogger, photography enthusiast, apparel designer, engineer and a big believer of God. In my spare time I love to create DIY projects or chase the bliss of solitude, sipping a cup of nicely brewed coffee, munching some yummy cookies while reading a good book in a new place with a great view.

Ask Me First, I Might Say YES

Weekly Photo Memes

Jul 23, 2009




Interesante ang tema ng Litratong Pinoy ngayong Huwebes at medyo nahirapan akong maghanap ng nakakakilabot na larawan dahil natatakot akong kuhanan ang mga ganon. Meron akong nakakakilabot na kuha ng mga taong nagpapakyut, sa totoo lang marami yun at sa tuwing titingnan ko tumatayo talaga balahibo ko kaya lang pag yun ang inilagay ko dito baka mawalan ako ng mga kaibigan, hehehe!

Samantala, ang larawang nasa itaas ay kuha sa Lumiang Burial Cave sa Sagada, mapapansin nyo na tanging ilaw ng flash ng camera at ng lampara ang tanging nagbibigay ng liwanag dito, isama mo pa ang sobrang lamig na tubig, ay mangingilabot ka na. Eh paano pa kung malaman mo na sa entrada ng kwebang eto ay may libangan at magkakapatong ang mga kabaong, di ba tataas ang balahibo mo!!!

At kung naniniwala ka sa "ORBS", titigan mo ang larawan at makikita mo ang mga bilog na parang may mata. Maaaring alikabok lang ito o isang ispirito, di naman ako sigurado.... Pero ok lang sa akin ito, kahit ano pa sila basta huwag lang silang mangangagat, hehe :)

Sa iba pang litratong nakakakilabot, punta na sa Litratong Pinoy.

Magandang Huwebes mga Ka LP!